Mga Plano ng Medicare
Kailangang ibagay ang Medicare depende sa pangangailangan ng isa. Nag-aalok ang Blue Shield ng iba't-ibang mga plano at opsyon sa benepisyo para sa pangangailangan mo ngayon at sa hinaharap.
Mag-enroll online o tumawag sa isang Tagapayo ng Blue Shield Medicare (833) 351-1796* (TTY:711)
I-access ng mabilis ang mga impormasyon gamit ang resources ng miyembro. Maghanap ng mga dokumento ng plano, mapagkukunang pharmacy, programang pangsuporta, diskwento para sa miyembro at iba pa.
Alamin ang sagot tungkol sa Medicare
Kung bago ka sa Medicare, maaaring mahirapan kang aralin kung ano ang mga opsyon mo at kailan ka pipili. Narito ang Blue Shield para tumulong.
Ang apat na bahagi ng Medicare, kasama ang Medicare Advantage at Medicare Supplement plans
Part A at B at kung paano mag-enroll
Pagpili ng mga plano na angkop sa iyo.
Mga buwanang premium, copay at mga gastusing mula sa sariling bulsa
Pag-aralan ang mga plano ng Medicare sa lugar mo
We’ve sent you an email with a link and all the relevant information for the event.
Bakit mabuting maging miyembro ng Blue Shield of California?
Nagbibigay kami ng saklaw sa pangangalagang pangkalusugan simula pa noong 1939, kaya makapagtitiwala kang narito kami kung kailangan mo kami. Misyon namin na tiyaking ang lahat ng taga-California ay may access sa mataas na kalidad ng pangangalagang pangkalusugan sa napapanatiling abot-kayang presyo. Dahil dito, isinusulong namin ang pangangalagang pangkalusugan na makatarungan, madaling ma-access, at sulit para sa ating pamilya at mga kaibigan.
Dapat kang mag-enroll sa Medicare para simulan ang saklaw. Kung ikaw ay edad 65 pataas, karapat-dapat kang mag-enroll sa Original Medicare. Karapat-dapat din ang ilang indibiduwal na wala pang edad 65 na may partikular na kapansanan. Kung gusto mo ng magsimula, makakatulong kami.
Handa ka na bang mag-enroll?
Madali lang mag-enroll online! Tuklasin ang mga plano sa lugar mo para makahanap ng plano na akma sa pangangailangan mo at budget. Kung mag-e-enroll ka sa Blue Shield sa panahon ng enrollment window, awtomatiko naming aabisuhan ang Pederal na pamahalaan.
Alamin ang sagot sa iyong mga tanong tungkol sa Medicare. Tumawag sa isang tagapayo ng Blue Shield Medicare sa (800) 260-9607* o mag-book ng appointment sa online. Hindi ka obligadong mag-enroll.
Kumuha ng karagdagang impormasyon
Kumuha ng libreng kopya ng Iyong mga Opsiyon sa Medicare para maunawaan ang iyong mga pagpipiliang saklaw.
Panoorin ang mga nakapagtuturong video para malaman ang tungkol sa Medicare at mga pagpipilian mong saklaw.
Alamin ang mga sagot sa ilang mga bagay na madalas itanong tungkol sa Medicare.
Ang Blue Shield of California ay isang HMO, HMO D-SNP, PPO at PDP plan na may kontrata sa Medicare at kontrata sa California State Medicaid Program. Ang enrollment sa Blue Shield of California ay nakadepende sa pag-renew ng kontrata.
Y0118_25_381A1_M Accepted 09212025
H2819_25_381A1_M Accepted 09212025
Huling na-update ang pahina: 10/1/2025