Pagkuha ng pangangalaga sa panahon ng kalamidad o emergency para sa mga miyembro ng Medicare Advantage at Prescription Drug Plan
Kapag mahinto ang pangangalagang pangkalusugan sa panahon ng kalamidad o emergency, kikilos ang Blue Shield para sa iyo. Mabilis kaming tutugon sa mga miyembrong nangangailangan. Susundin din namin ang lahat ng kahilingan ng Center for Medicare and Medicaid Services (CMS). Kung may emergency, magpapadala kami ng impormasyon sa mga miyembro sa pamamagitan ng iba't ibang paraan tungkol sa pag-access ng pangangalagang pangkalusugan. Maaaring kasama rito ang direktang pakikipag-ugnayan sa telepono, koreo, email, webpage, portal ng miyembro, at marami pang iba. Depende ito sa gusto ng miyembro at sa mga kahilingan ng CMS.
Idedeklara ang kalamidad sa pamamagitan ng isa sa mga paraang ito:
- Pagpapahayag ng presidente sa kalamidad o emergency sa ilalim ng Stafford Act o National Emergencies Act
- Pagpapahayag ng secretary sa pampublikong emergency sa kalusugan sa ilalim ng seksiyon 319 ng Public Health Service Act
- Pagpapahayag ng gobernador ng estado o protectorate
Kapag nagdeklara ng kalamidad o emergency at nahinto ang access sa pangangalaga:
- Sasaklawin ng Blue Shield of California ang mga benepisyong ibinigay sa iyo ng mga provider na wala sa network.
- Hindi mo kailangan ng referral o paunang pahintulot.
- Magkakaroon ka ng parehong pagbabahagi ng gastos o cost-sharing na parang ang benepisyo ay ibinigay ng provider na nasa network.
- Mapupunan mong muli ang mga reseta nang maaga kung kinakailangan.
Kapag natapos na ang kalamidad, idedeklara ito sa pamamagitan ng isa sa mga paraang ito:
- Ang nagdeklara ng pampublikong emergency sa kalusugan o estado ng kalamidad ang nagdedeklara ng pagtatapos.
- Nagdedeklara ang Center for Medicare and Medicaid Services (CMS) ng pagtatapos sa pampublikong emergency sa kalusugan o estado ng kalamidad.
- Kapag lumipas na ang tatlumpung (30) araw simula ng pagpapahayag ng pampublikong emergency sa kalusugan o estado ng kalamidad, at walang tinukoy na petsa ng pagtatapos ang orihinal na pinagmulan ng CMS, ituturing ito na pagtatapos ng kalamidad.
Kung mayroon kang anumang tanong, makipag-ugnayan sa Customer Service ng Blue Shield of California para sa espesipikong plano mo:
Medicare Advantage Prescription Drug Plans
Telepono: (800) 776-4466 (TTY: 711) – 8 a.m. hanggang 8 p.m., Pacific time pitong araw sa isang linggo
Dual Special Needs Plans
Telepono: (800) 452-4413 (TTY: 711) – 8 a.m. hanggang 8 p.m., Pacific time pitong araw sa isang linggo
Mga Medicare Prescription Drug Plan (Medicare Part D)
Telepono: (888) 239-6469 (TTY: 711) – 8 a.m. hanggang 8 p.m., Pacific time pitong araw sa isang linggo
Ang Blue Shield of California ay isang HMO, HMO D-SNP, PPO at PDP plan na may kontrata sa Medicare at kontrata sa California State Medicaid Program. Ang enrollment sa Blue Shield of California ay nakadepende sa pag-renew ng kontrata.
Y0118_25_341C1_C 08122025
H2819_25_341C1_C Accepted 08182025
Huling Na-update ang Pahina: 10/1/2025