Resources ng miyembro ng Medicare
Ang mga miyembro ng Blue Shield of California Medicare o ng Medicare Supplement plan ay may access sa mga malalaking programa ng suporta at mahuhusay na benepisyo. Alamin ang tungkol sa iyong mga benepisyo sa inyong online na account.
Magsimula na
Ang mga miyembro ay may access sa iba't ibang resources para mapabuti ang kanilang karanasan. Tingnan ang aming gabay para makapagsimula sa paggamit ng iyong mga benepisyo ng plano.
Mga programa ng suporta
Maaari kang maging karapat-dapat para sa mga programa ng county, estado, at pederal. Makakasuporta ang mga programang ito sa pangangailangan mo sa pangangalagang pangkalusugan at magpapababa sa mga gastusin.
Mga diskuwento ng miyembro ng Medicare Supplement plan
Mula sa mga hearing aid hanggang sa alternatibong pangangalaga at higit pa, alamin ang mga programang makakatulong sa mga miyembro ng Blue Shield of California Medicare Supplement plan para makatipid.1
Apela at karaingan para sa Medicare
Matuto kung paano maghain ng pormal na reklamo. Gawin ito kung mayroon kang mga alalahanin tungkol sa alinmang bahagi ng iyong pangangalaga.
Manatiling malusog sa buong taon
I-access ang Blue Living Newsletter at iba pang kapaki-pakinabang na mapagkukunan ng impormasyon na may mga tip sa kalusugan, impormasyon tungkol sa mga benepisyo ng Blue Shield, at higit pa.
Paunang Pahintulot para sa Medikal at Part B na Gamot
Matuto pa tungkol sa mga pamantayang ginagamit namin para magpasiya tungkol sa pangangalagang natatanggap mo.
Mga dokumento ng plano
Buod ng Mga Benepisyo (Summary of Benefits, SOB), Ebidensya ng Saklaw (Evidence of Coverage, EOC), Taunang Abiso ng Mga Pagbabago (Annual Notice of Changes, ANOC) para sa 2026, Medicare Star Ratings, at iba pang dokumento ng plano
Buod ng Mga Benepisyo (Summary of Benefits, SOB), Ebidensya ng Saklaw (Evidence of Coverage, EOC), at iba pang dokumento ng plano
Buod ng Mga Benepisyo (Summary of Benefits, SOB), Ebidensya ng Saklaw (Evidence of Coverage, EOC), Taunang Abiso ng Mga Pagbabago (Annual Notice of Changes, ANOC) para sa 2026, Medicare Star Ratings, at iba pang dokumento ng plano
Buod ng Mga Benepisyo (Summary of Benefits, SOB), handbook ng Miyembro, Taunang Abiso ng Mga Pagbabago (Annual Notice of Changes, ANOC) para sa 2026, Medicare Star Ratings, at iba pang dokumento ng plano
1 Ang mga serbisyong discount program na ito ay hindi saklaw na benepisyo ng Blue Shield health plans at walang inilalapat na tuntunin o kundisyon ng Blue Shield health plans. Available ang mga serbisyong discount program sa lahat ng miyembro na may Blue Shield medical, dental, vision, o life insurance plan.
Ang mga tagapangasiwa ng mga panlabas na programang tinukoy sa ibaba ang namamahala sa network ng mga practitioner at pasilidad sa mga discount program, kabilang ang anumang pag-screen o pagsertipika ng mga practitioner. Hindi sinusuri ng Blue Shield ang mga serbisyong ibinibigay ng mga provider ng discount program para sa pangangailangang medikal o sa pagiging mabisa. Hindi rin nagsasagawa ang Blue Shield ng anumang rekomendasyon, representasyon, mga claim, o garantiya patungkol sa mga practitioner, kanilang pagiging available, mga singil, serbisyo, o produkto.
Ang ilang serbisyong inaalok sa pamamagitan ng discount program ay maaaring kasama bilang bahagi ng mga saklaw na benepisyo ng Blue Shield plan. Kailangang i-access ng mga miyembro ang mga saklaw na serbisyong iyon bago gumamit ng discount program.
May karapatan ang Blue Shield na wakasan ang mga programang ito anumang oras nang walang abiso.
Maaaring gamitin ng mga miyembrong hindi nasiyahan sa mga produkto o serbisyong natanggap mula sa discount program ang proseso ng karaingan ng Blue Shield na inilarawan sa seksyon na Proseso ng Karaingan ng Ebidensya ng Saklaw o Certificate ng Insurance/Patakaran. May karapatan ang Blue Shield na wakasan ang programang ito anumang oras nang walang abiso.
Ang Blue Shield of California ay isang HMO, HMO D-SNP, at PDP na plano na may kontrata sa Medicare at kontrata sa California State Medicaid Program. Ang enrollment sa Blue Shield of California ay nakadepende sa pag-renew ng kontrata.
Y0118_25_381C1_M Accepted 09212025
H2819_25_381C1_M Accepted 09212025
Huling na-update ang pahina: 10/1/2025