Karaniwan para sa mga taong nag-65 na may saklaw pa rin mula sa pinagtrabahuhan o sa plano ng kanilang asawa. Sa ganitong sitwasyon, maaaring mas makabubuti para sa iyo na isama ang kasalukuyang saklaw mo sa isang Medicare plan o lumipat nang buo sa Medicare.
Ang saklaw ng pinagtatrabahuhan at ng Medicare
- Kung nagtatrabaho ka sa isang kumpanyang wala pang 20 empleyado, ang Medicare ang itinuturing na iyong pangunahing saklaw. Ibig sabihin, ang Medicare ang unang magbabayad, at ang saklaw ng iyong pinagtatrabahuhan ang ikalawang magbabayad.
- Kung nagtatrabaho ka para sa isang mas malaking kumpanya, ang iyong saklaw sa iyong pinagtatrabahuhan ang iyong magiging pangunahing saklaw at ang Medicare ang iyong pangalawang saklaw.
- Anuman ang sitwasyon, pagkatapos na mabayaran ng kapwa insurer ang kanilang bahagi sa iyong medikal na bill, babayaran mo lamang ang balanse.
Ang mga planong pangkalusugan ng indibidwal o ng Covered California at ang Medicare
Karaniwan nang walang dahilan para panatilihin ang pang-indibidwal o Covered California na plano sa sandaling mayroon ka nang Medicare. Oras na mayroon ka ng Medicare:
- Hindi legal para sa isang tao na magbenta sa iyo ng isang pang-merkado o indibidwal na patakaran sa marketplace.
- Hindi ka kwalipikado para sa kredito sa buwis o iba pang diskuwento, kaya kailangan mong bayaran ang buong halaga ng marketplace plan.
- Kung nakakakuha ka ng tulong mula sa California, maaaring hindi ka na kwalipikado para dito oras na maging kwalipikado ka sa Medicare.1 At kung patuloy kang tatanggap ng tulong pagkatapos ng panahong iyon, maaaring kailanganin mong ibalik ang ilan sa halaga ng pera o ang lahat ng ito.
Ang insurance sa pagreretiro at ang Medicare
Kung ikaw ay nagretiro at tumatanggap ng insurance sa kalusugan sa pamamagitan ng iyong dating pinagtatrabahuhan, maaari ka pa ring magpatala para sa Medicare.
- Ang Medicare ang unang magbabayad, at ang grupo ng planong pangkalusugan ng iyong dating pinagtatrabahuhan ang ikalawang magbabayad.
- Pagkatapos na magbayad ang kapwa mga insurer, ikaw ang magbabayad sa balanse.
Saklaw mula sa pinagtatrabahuhan ng iyong asawa at ng Medicare
- Kung ang pinagtatrabahuhan ng iyong asawa ay wala pang 20 empleyado, ang Medicare ang unang magbabayad.
- Kung ito ay isang mas malaking kumpanya, ang planong pangkalusugan ng negosyo ang unang magbabayad.
- Pagkatapos na magbayad ang kapwa mga insurer, ikaw ang magbabayad sa balanse.
Mga benepisyo ng nagreretiro sa militar at Veterans Affairs (VA) at ng Medicare
Ang pagkakaroon ng saklaw ng Medicare at ng VA ay nagbibigay sa iyo ng opsyon na makatanggap ng pangangalaga sa pamamagitan ng mga doktor ng VA o ng mga sibilyan na doktor, depende sa iyong pangangailangan sa pangangalagang pangkalusugan.
- Sinasaklaw ng Medicare ang iyong mga pagbisita sa sibilyan na doktor para sa mga serbisyo o item na saklaw ng Medicare, at sinasaklaw naman ng VA ang iyong mga pagbisita sa mga pasilidad ng VA.
- Maaaring bayaran ng Medicare ang bahagi ng iyong copayment kung tumatanggap ka ng pangangalagang pinahintulutan ng VA mula sa isang sibilyan na doktor o ospital.
Ang TRICARE at Medicare
Para sa mg militar na may aktibong tungkulin at naka-enroll sa Medicare:
- Ang TRICARE ang unang magbabayad para sa mga serbisyo o item na saklaw ng Medicare
- Ang Medicare ng ikalawang magbabayad
- Maaari ding makatulong ang saklaw ng TRICARE sa ilang mga serbisyong hindi saklaw ng Medicare.
- Ikaw ang magbabayad para sa mga serbisyong hindi sinasaklaw ng Medicare o TRICARE.
Retiradong militar:
- Kapag nagretiro ka na mula sa militar, kailangan mong magpatala para sa Medicare Part B (medikal na insurance) para mapanatili ang saklaw mo sa TRICARE.
- Ang TRICARE for Life (TFL) ay ibinibigay sa mga taong karapat-dapat sa TRICARE na mayroong mga benepisyo ng Medicare Part A at B. Sinasaklaw ng mga benepisyo ng TFL ang iyong deductible at coinsurance sa Medicare.
Ang COBRA at Medicare
Pinapayagan ka ng COBRA na panatilihin ang plano sa insurance sa kalusugan ng iyong pinagtatrabahuhan sa loob ng limitadong panahon matapos ang pagtatapos ng iyong trabaho. Pinoprotektahan ka nito mula sa agarang pagkawala ng iyong insurance sa kalusugan kapag nawalan ka ng trabaho.
- Kung mayroon kang Medicare, ang Medicare ang unang magbabayad, at ang COBRA ay kikilos bilang iyong pangalawang saklaw. (Ang tanging eksepsiyon ay kung mayroon kang End-Stage na Sakit sa Bato (End-Stage Renal Disease, ESRD). Sa kasong iyon, ang COBRA ang unang magbabayad.)
- Sa karamihan ng mga kaso, ang iyong saklaw sa COBRA ay magtatapos kung mag-e-enroll ka sa Medicare.
- Maaari kang makakuha ng extension sa iyong COBRA kung hindi sinasaklaw ng Medicare ang mga serbisyong inihahandog sa plano ng COBRA, tulad ng insurance sa ngipin.
- Maaari kang mag-enroll sa COBRA kung magiging kwalipikado ka at kung mayroon ka nang Medicare na plano. Sa kasong iyon, ikaw ang magpapasya kung ang karagdagang gastos para sa COBRA ay sulit sa iyo.
Ang Medicaid at Medicare
Kung pareho kang karapat-dapat sa saklaw ng Medicare at Medicaid, panatilihin ang iyong saklaw sa pamamagitan ng pagkumpleto ng mga papeles sa pag-renew ng Medi-Cal at Part D na Karagdagang Tulong sa tamang panahon kada taon.
Makakuha ng saklaw ng Blue Shield
Ginagawang madali ng Blue Shield of California ang pagpili ng tamang saklaw sa kalusugan. Naghahandog kami ng mga Medicare Supplement plan at stand-alone na Medicare Prescription Drug Plan sa buong estado. Naghahandog din kami ng mga Medicare Advantage Prescription na plano ng gamot sa mga piniling county. Marami kang pagpipilian na akma sa iyong pangangailangan at budget.
Alamin ang karagdagang impormasyon
Alamin ang sagot sa iyong mga tanong tungkol sa Medicare. Tawagan ang isang tagapayo ng Blue Shield Medicare sa (800) 260-9607* (TTY: 711) o mag-book ng appointment online. Hindi ka obligadong mag-enroll.
Dumalo sa libreng live o online na seminar para matuto pa tungkol sa Medicare at masagot ang mga tanong mo.
Kumuha ng libreng kopya ng Iyong mga Opsiyon sa Medicare para maunawaan ang iyong mga pagpipiliang saklaw.
1 May isang eksepsiyon: kung kailangan mong magbayad ng premium para sa saklaw ng Medicare Part A at hindi ka pa naka-enroll dito, maaaring mong ipagpatuloy ang iyong Covered California na saklaw at ipagpatuloy ang iyong tulong pinansyal. Tumawag sa Medicare para sa higit pang impormasyon sa 1-800-MEDICARE (1-800-633-4227). Ang mga gumagamit ng TTY ay maaaring tumawag sa 1-877-486-2048, 24 oras sa isang araw, pitong araw sa isang linggo, maliban sa mga holiday.
Ang Blue Shield of California ay isang HMO, HMO D-SNP, at PDP na plano na may kontrata sa Medicare at kontrata sa California State Medicaid Program. Ang enrollment sa Blue Shield of California ay nakadepende sa pag-renew ng kontrata.
Y0118_25_381B1_M Accepted 09212025
H2819_25_381B1_M Accepted 09212025
Huling na-update ang pahina: 10/1/2025