Dental Plans ng Medicare
Hindi sinasaklaw ng Original Medicare ang prebensyong pangangalaga sa ngipin pero sinasaklaw ka ng Blue Shield. Alamin ang mga opsyon namin para sa ngipin para mahanap ang saklaw na tama para sa iyo. Tumawag ngayon para malaman ang higit pa (888) 273-4546*.
Marami sa aming mga Medicare Advantage Prescription Drug plan ay may kasamang saklaw para sa ngipin na hindi sakop ng Original Medicare. Makakatanggap ka ng mga serbisyo tulad ng karaniwang mga pagsusuri, paglilinis, X-ray, pasta, crown, pustiso, at marami pang iba nang walang karagdagang gastos sa premium. Makakapagdagdag ka ng higit pang saklaw para sa ngipin sa pamamagitan ng isa sa aming mga opsiyonal na pandagdag na mga dental HMO o PPO plan, nang may karagdagang gastos.
Nagbibigay ang Blue Shield Dual Special Needs plan ng mga benepisyo sa ngipin nang walang karagdagang gastos, at ito gumagana ng maayos kasama ng saklaw para sa ngipin ng iyong Medi-Cal para sa dagdag na halaga at kaginhawahan.
Nag-aalok ang Blue Shield ng dalawang abot-kayang PPO plan para sa ngipin. At, kapag nag-enroll ka sa isang plano sa ngipin kasabay ng iyong Medicare Supplement plan, makatitipid ka ng $3 bawat buwan mula sa nakalistang rate para sa unang anim na buwan.
Sa Blue Shield Dental Plan, magkakaroon ka ng access ang isa sa pinakamalaking network para sa ngipin sa California. Gamitin ang aming tool para Maghanap ng Doktor para madaling makahanap ng dentista o suriin kung ang iyong kasalukuyang dentista ay nasa aming network.
Ang Blue Shield of California ay isang HMO, HMO D-SNP, PPO at PDP plan na may kontrata sa Medicare at kontrata sa California State Medicaid Program. Ang enrollment sa Blue Shield of California ay nakadepende sa pag-renew ng kontrata.
Y0118_25_381D1_M Accepted 09202025
H2819_25_381D1_M Accepted 09202025
Huling na-update ang page: 10/1/2025