Ang Medicare ay isang pederal na programa ng insurance sa kalusugan para sa mga edad 65 pataas. Sinasaklaw din ng Medicare ang ilang mas bata na may partikular na kapansanan at mga may End-Stage na Sakit sa Bato (End-Stage Renal Disease, ESRD). May apat na bahagi ang Medicare: insurance sa ospital (Part A), Medikal na insurance (Part B), Medicare Advantage (Part C), at Mga Plano ng Inireresetang Gamot (Part D).
Ang Medicare Part A at Part B na magkasama ay tinatawag na Original Medicare. Ang Part C at Part D ay idinagdag para matugunan ang mga gap sa saklaw ng Original Medicare.
Ang mgaMedicare Supplement plan, na kilala rin bilang Medigap, ay mga pribadong plano ng insurance na makakatulong sa pagbabayad ng mga gastos sa pangangalagang pangkalusugan na hindi binabayaran ng Original Medicare. Kasama sa mga halimbawa ang copayment, coinsurance at deductible.
Original Medicare: insurance sa ospital at medikal na insurance
Ang Original Medicare ay isang programa ng planong pangkalusugan para sa pagbabayad ng serbisyo na pinamamahalaan ng pederal. Nagbibigay ito ng saklaw sa mga kwalipikado at access sa mga doktor, ospital at iba pang provider ng pangangalagang pangkalusugan na tumatanggap ng Medicare. (Tandaan: ang bayad para sa serbisyo ay isang anyo ng insurance sa kalusugan kung saan nire-reimburse sa provider ang nakatakdang bayad para sa bawat serbisyong ibinibigay nila.)
Ang Original Medicare ay may kasamang dalawang bahagi: Sinasaklaw ng Part A (Insurance sa ospital) ang mga serbisyo tulad ng pasilidad ng sanay na pag-aalaga o inpatient na pangangalaga sa ospital. Tumutulong ang Part B (medikal na insurance) sa pagbabayad ng mga serbisyo para sa mga doktor, pangangalagang outpatient, o durable medical equipment / matibay na kagamitang medikal. Karamihan sa mga tao ay awtomatikong naka-enroll sa Medicare Part A pero dapat mag-sign up para sa Part B.
Babayaran ng Medicare Part A ang mga serbisyong natanggap sa isang ospital o sa isang setting ng pangmatagalang pangangalaga:
- Mga inpatient na serbisyo sa ospital at pangangalaga
- Pangangalaga sa mga pasilidad ng sanay na pag-aalaga
- Pangangalaga sa hospice
- Mga serbisyo ng pangangalaga sa bahay (kasunod ng isang acute na pananatili)
- Mga transplant
Binabayaran ng Medicare Part B ang pangangalagang outpatient, mga serbisyo ng doktor, mga medikal na supply, at mga preventive na serbisyo:
- Mga pagbisita sa doktor
- Mga serbisyong outpatient, operasyon, physical, speech at occupational therapy
- Mga serbisyo ng ambulansya
- Mga serbisyo ng pangangalaga sa bahay (hindi kasunod ng acute stay)
- Mga pagsusuring medikal at laboratoryo
- Matibay na kagamitang medikal at supply
- Preventive care, mammography, Pap test
Kasama sa mga Medicare Advantage Plan ang lahat ng saklaw na mga Medicare Part A at Part B. Pagkatapos ay magdaragdag sila ng saklaw para sa mga benepisyo tulad ng mga programa sa paningin, pandinig, dental, at kagalingan. Kasama sa karamihan sa mga plano ang saklaw para sa mga inireresetang gamot (Part D). Kilala ang mga ito bilang Medicare Advantage-Prescription Drug (MA-PD) Plans. Tanging mga pribadong kompanya lang na inaprubahan ng Medicare ang makakapag-alok ng mga plan na ito.
Kung kwalipikado ka para sa Medicare at Medi-Cal, ang Dual Special Needs Plan (HMO D-SNP) ang para sa iyo. Naghahandog ang mga D-SNP ng saklaw ng Medicare Part C, Medicare Part D at Medi-Cal sa ilalim ng isang plano. Pinapababa rin ng mga ito ang iyong mga gastos, naghahandog ng iba pang mga benepisyo, at tumutulong para makapagsama ang saklaw ng Medicare at Medi-Cal.
Nagbibigay ang Medicare Part D ng standalone na saklaw para sa mga reseta mo. Maaari mong piliin ang standalone na saklaw na ito, na mahusay na ka-partner ng isang Medicare Supplement plan, o isama ito sa isang Medicare Advantage-Prescription Drug (MA-PD) Plan. Makakatulong sa iyo ang alinman sa dalawang opsyon na saklawin ang mga gastos ng mga inireresetang gamot mo.
Kung kwalipikado, makakakuha ka ng saklaw sa kalusugan sa pamamagitan ng Original Medicare. Gayunman, hindi nito binabayaran ang lahat ng gastos sa pangangalagang pangkalusugan. Ang isang Medicare Supplement plan, o Medigap, ay makakatulong sa pagbayad mo ng mga ekstrang serbisyo at benepisyo kabilang ang ilang copayment, coinsurance, at deductible.
Mga pagpipiliang plan ng Medicare
Kumpletong saklaw |
Original Medicare + Medicare Supplement + Prescription Drug Plans | ||
---|---|---|---|
Part A (ospital) Part B (medikal) |
Deductible, copay at iba pa Opsyonal na saklaw para sa dental at paningin |
Part D (gamot) | |
O | |||
Kumpletong saklaw |
Medicare Advantage Prescription Drug Plans | ||
Part C (ospital, medikal) | Mga pagpipiliang plan para sa dental, mga karagdagang benepisyo | Part D (mga gamot) | |
O | |||
Kumpletong saklaw |
Dual Special Needs Plans | ||
Medicare Advantage Prescription Drug Plan Part C (ospital, medikal) Part D (mga gamot) |
Medi-Cal |
Magiging kwalipikado ka para sa saklaw ng Medicare pagsapit mo sa edad na 65. Maaari ring maging kwalipikado ang mga mas nakababatang may kapansanan o may End-Stage na Sakit sa Bato. Para sa mga wala pang edad 65 at may tanong tungkol sa pagiging kwalipikado, pakipuntahan ang Medicare.gov.
Ang mga panuntunan sa pagiging kwalipikado sa Medicare ay pareho para sa lahat. Ngunit maaaring iba ang panahon ng enrollment. Ang ibinibigay na pitong buwan para mag-sign up ay nagsisimula tatlong buwan bago sumapit ang buwan na ikaw ay magiging 65 taong gulang. Matatapos ito tatlong buwan pagkatapos mong mag-65.
Karamihan ay nagbabayad ng buwanang premium at mga bayarin kapag tumatanggap sila ng pangangalaga. May iba't ibang gastusing mula sa sariling bulsa na nauugnay sa mga Medicare Part A, B, C, at D. Mahalagang maintindihan ang mga gastusin at saklaw para makapili ka ng pinakamahusay na plan para sa iyo.
Pag-aralan ang mga plano ng Medicare sa lugar mo
We’ve sent you an email with a link and all the relevant information for the event.
Alamin ang karagdagang impormasyon
Alamin ang sagot sa iyong mga tanong tungkol sa Medicare. Tawagan ang isang tagapayo ng Blue Shield Medicare sa (800) 260-9607* (TTY: 711) o mag-book ng appointment online. Hindi ka obligadong mag-enroll.
Dumalo sa libreng live o online na seminar para matuto pa tungkol sa Medicare at masagot ang mga tanong mo.
Kumuha ng libreng kopya ng Iyong mga Opsiyon sa Medicare para maunawaan ang iyong mga pagpipiliang saklaw.
Ang Blue Shield of California ay isang HMO, HMO D-SNP, at PDP na plano na may kontrata sa Medicare at kontrata sa California State Medicaid Program. Ang enrollment sa Blue Shield of California ay nakadepende sa pag-renew ng kontrata.
Y0118_25_381B1_M Accepted 09212025
H2819_25_381B1_M Accepted 09212025
Huling na-update ang pahina: 10/1/2025