Makinabang ng higit mula sa Medicare at Medi-Cal sa pamamagitan ng Dual Special Needs Plan. Tumawag ngayon para malaman ang higit pa tungkol sa mga benepisyo ng HMO D-SNP na inihahandog ng aming Blue Shield plan sa (877) 510-5739.*
Ano ang Dual Special Needs (HMO D-SNP) Plan?
Ang mga Medicare Dual Special Needs Plan (HMO D-SNP) ay espesyal na Medicare Advantage plans na ibinabagay sa mga indibiduwal na kapwa kwalipikado sa Medicare at Medi-Cal. Ang mga planong ito ay naghahandog ng komprehensibong saklaw at mga serbisyo ng Medicare at Medi-Cal sa ilalim ng isang plano.
Pinapalawak ng mga HMO D-SNP ang mga benepisyo na higit pa sa Original Medicare, kabilang ang coverage sa iniresetang gamot, mga serbisyo sa ngipin, paningin, at pandinig, tulong sa transportasyon, at pagsasaayos ng pangangalaga. Dinisenyo ang mga pagpapahusay na ito para matugunan ang natatanging pangangailangan sa pangangalagang pangkalusugan ng mga kwalipikadong indibiduwal, na tinitiyak na nakakatanggap sila ng kinakailangang pangangalaga at suporta.
Bakit mo pipiliin ang Dual Special Needs Plan?
Ang mga D-SNP ay binuo para sa mga taong may kapwa Medicare at Medi-Cal para mabigyan sila ng pinakamahusay na karanasan sa ilalim ng isang plano. May mga karagdagang libreng benepisyo. Nag-aalok din ang Blue Shield ng mga coordinator ng pangangalaga para gawing simple ang komplikadong pangangalagang pangkalusugan.
Kontakin ang iyong coordinator ng pangangalaga para humingi ng tulong sa:
- Mga tanong tungkol sa iyong pangangalagang pangkalusugan
- Mga tanong tungkol sa pagkuha ng mga serbisyo sa kalusugan ng pag-uugali (mga sakit sa kalusugan ng isip at paggamit ng droga)
- Mga tanong tungkol sa mga benepisyo sa ngipin
- Mga tanong tungkol sa transportasyon papunta sa mga medikal na appointment
- Mga tanong tungkol sa Mga Pangmatagalang Serbisyo at Suporta (Long-term Services and Supports, LTSS), kabilang ang Mga Serbisyong Nasa Komunidad para sa May-edad (Community-Based Adult Services, CBAS) at Mga Pasilidad ng Pag-aalaga (Nursing Facilities, NF)
Naghahandog ang Blue Shield ng Blue Shield TotalDual plan (HMO D-SNP) sa mga bagong miyembro sa mga county ng Los Angeles at San Diego. Tuklasin na ngayon.
Mga benepisyo ng plano
Nauunawaan namin kung gaano kahalaga na manatili sa iyong doktor. Sa Blue Shield, mayroon kaming mga plano kasama ang isa sa pinakamalaking network ng mga doktor at ospital sa California. Alamin ang pinakabagong listahan ng mga provider sa aming direktoryo ng provider.
Hanapin ang lahat ng dokumento ng Blue Shield of California Dual Special Needs Plan, kabilang ang handbook ng miyembro, gabay ng plano, form para sa pag-e-enroll, checklist ng enrollment, at mga Medicare Star Ratings.
Kumuha ng karagdagang impormasyon
Alamin ang sagot sa iyong tanong tungkol sa Medicare. Tawagan ang tagapayo ng Blue Shield Medicare sa 800-260-9607 (TTY: 711)† o mag-book ng appointment online. Hindi ka obligadong mag-enroll.
Dumalo sa libreng live o online na seminar para matuto pa tungkol sa Medicare at masagot ang mga tanong mo.
Madali lang mag-enroll online! Tuklasin ang mga plano sa lugar mo para makahanap ng plano na akma sa pangangailangan mo at budget.
1 May inilalapat na mga limitasyon sa order. Hindi maaaring gamitin ang hindi nagamit na allowance sa susunod na quarter.
Ang benepisyong nabanggit ay isang Espesyal na Karagdagang Benepisyo para sa May Hindi Gumagaling na Sakit (Special Supplemental Benefit for the Chronically Ill, SSBCI). Hindi lahat ng miyembro ng plano ay kwalipikado. Ang pagiging kwalipikado ay batay sa kahulugan ng "enrollee na may hindi gumagaling na karamdaman". Kasama sa mga hindi gumagaling na kondisyon ang mga sumusunod, pero maaaring may iba pa: Cardiovascular na karamdaman; Hindi gumagaling na pagpalya ng puso; Diabetes mellitus; Labis ang timbang, labis na katabaan, at metabolic syndrome; at Hindi gumagaling na karamdaman sa baga. Mangyaring sumangguni sa Handbook ng Miyembro ng Plano para sa kumpletong listahan ng mga kwalipikadong hindi gumagaling na kondisyon at mga pangangailangan para sa pagiging karapat-dapat.
Ang Blue Shield of California ay isang HMO D-SNP plan na may kontrata sa Medicare at may kontrata sa California State Medicaid Program. Ang enrollment sa Blue Shield of California ay nakadepende sa pag-renew ng kontrata.
Y0118_25_381E_M Accepted 09022025
H2819_25_381E_M Accepted 09022025
Huling na-update ang page: 10/1/2025